Koreano tiklo sa mail order bride scam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang Korean national  na bumibiktima ng mga kababaihang Pinay sa mail order bride scam sa isinagawang operasyon sa Makati City kamakalawa.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona ang nasakoteng suspect na si Jong Beon Lee ,alyas Lee Jong Beon.

Alas – 4:45 ng hapon ng masakote ang suspect ng mga elemento ng PNP-CIDG Women and Children Protection Unit PNP-CIDG-WCPU)  at Detective and Special Operations Unit sa   Polaris Street, Bel-Air , Makati City.

Sinabi naman ni Supt. Emma Libunao, hepe ng PNP-CIDG-WCPU na si Lee ay  inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 6955 ( mail order bride ) at paglabag sa RA 9208 na inamyendahan bilang 10364 ( trafficking on a large scale ).

Nabatid na ang modus operandi ng suspect ay mangumbinsi ng mga kababaihang Pinay sa illegal na  aktibidades nitong mail order bride pero pagdating umano sa South Korea ay nasasadlak sa kapariwaraan.

Samantalang hihingan rin umano ang mga biktimang Pinay ng malaking halaga na kunwari’y gagamitin sa pagpoproseso ng mga dokumento para makapagpakasal ang mga ito sa mga Koreano at magkaroon ng magandang buhay sa South Korea .

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang nasakoteng Koreano habang patuloy rin itong isinasailalim sa masusing imbestigasyon kaugnay ng pagkakasangkot sa katiwalian.

ANG CHIEF P CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP DETECTIVE AND SPECIAL OPERATIONS UNIT DIRECTOR VICTOR DEONA EMMA LIBUNAO MAKATI CITY MGA NBSP PINAY SOUTH KOREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with