^

3 sugatan sa Las Piñas fire

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong katao matapos lamunin ng malakas na apoy ang 40 kabahayan sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Perpetual Medical Center ang mga biktimang sina Florencio Alfaro, 52; Elsa Sevilla,  42 at Mary Ann Importan­te,  50, pawang mga residente ng Trinidad St., Brgy. Pamplona Uno ng naturang lungsod, nagtamo ang mga ito ng 1st degree burn sa kanilang mga katawan.

Ayon sa pagsisiyasat ni Fire Officer 2 Daise Pedralde, ng Las Piñas City  Bureau of Fire Protection, alas-7:30 ng gabi ng magsimula  ang sunog sa bandang kusina ng bahay ni Carlito Lutina sa  San Isidro Compound ng naturang lugar.

Dahil gawa lamang sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy na puminsala sa may 40 ka-bahayan ang napinsala.

Sanhi ng malakas na apoy, nagtakbuhan ang mga residente kung kaya’t nagbagsakan ang mga naglalagablab na mga yero at kahoy, na nagresulta nang pagkasugat ng tatlong biktima .

Naapula naman ang apoy makalipas ang dalawang oras at alas-9:20 ng gabi idineklara itong fire-out ng mga awtoridad.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog at magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala.

ANG ATILDE BUREAU OF FIRE PROTECTION CARLITO LUTINA DAISE PEDRALDE ELSA SEVILLA FIRE OFFICER FLORENCIO ALFARO LAS PI MARY ANN IMPORTAN MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with