Bebot itinumba
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dead on arrival sa ospital ang isang babae makaraang patraydor na pagbabarilin sa likuran ng hindi mabatid na salarin sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Base sa ulat ni PO2 Rhic Roldan Pittong ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU) ang bik­tima ay nakilalang si Ashley Grace Mallari, da­laga, ng Purok 3, Mangga St., Brgy. Culiat, sa lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Purok 2, Sertisa, Luzon Avenue, Brgy. Culiat, Quezon City, ganap na alas-4 ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang likuran at likod ng kanyang ulo na ugat ng kanyang kamatayan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang salarin sa krimen.

ACIRC ANG ASHLEY GRACE MALLARI BRGY CULIAT LUZON AVENUE MANGGA ST. PUROK QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT RHIC ROLDAN PITTONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with