^

Metro

Babae sinalvage sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinihinalang biktima ng salvage ang isang babae na natagpuang tadtad ng saksak sa buong katawan sa isang bakanteng lote  sa Fairview, lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima ay inilarawan sa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’4, kayumanggi, nakasuot ng kulay itim na T-shirt at itim na skirt at may tattoo na puso sa kanyang balikat.

Sinabi ni PO2 Jerome Dolante na ang biktima ay nadiskubre ng isang Raymart Bais sa may bakanteng lote na matatagpuan sa likuran ng isang bahay sa no. 5051 Sitio Uno, Aubum St., North Fairview, ganap na alas-5:30 ng madaling araw.

Sabi ni Bais, patungo siya sa La Mesa dam para maligo, nang makita niya ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo. Agad umano niyang ipinagbigay alam ang nakita sa barangay na siya namang tumawag ng oto­ridad para magsiyasat.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bangkay ng biktima, nakita ang mga tama nitong saksak sa katawan na siyang dahilan para ito masawi.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AUBUM ST.

AYON

JEROME DOLANTE

LA MESA

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RAYMART BAIS

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SITIO UNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with