Umihi sa gilid ng riles tauhan ng MTPB, lasog sa tren

MANILA, Philippines – Isang volunteer member ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nasawi nang masagi ng rumaragasang tren habang umiihi sa gilid ng riles sa bahagi ng Antipolo at Jose Abad Santos Sts., Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang  biktimang si Francisco Garcia, 40.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-station 7 chief, P/Supt. Alex Daniel, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa westbound track.

Sinabi ng dalawang kasamahan ng biktima na sila Catalla Jay Braceros, 39 at Richard Ramos, 29, ay nagpaalam ang biktima na nagsabing ‘iihi lang ako sa gilid”, hanggang sa marinig na nila ang sigawan ng mga tao kung saan nakita na nila ang biktima na  duguang nakabulagta.

Dinala nila sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay. With trainee Apple Cagata

Show comments