6 na kilabot na holdaper timbog
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Anim na kilabot na holdaper kabilang ang isang babae ang naaresto ng pulisya matapos holdapin ang isang lalaki na inalok muna ng? sex ng  isa sa mga suspek kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.?

Nakakulong ngayon sa Muntinlupa City Police detention ang mga suspek na sina Norman Digaas, 25; Melvin Japitana, 35; Mark Christopher De Mesa, 20; Sherwin Tabirara, 38; Pamesa Carreon, 31 at Abatayo Kelvin, 24, pawang ang mga ito ay taga Ilaya St., Brgy. Alabang ng nabanggit na lungsod.?

Samantala, kinilala naman ang biktima na si John Michael De Castro, 36, ng #43 Ilaya St., ng nabanggit na barangay. Base sa report na tinanggap ni P/ Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-12:30 sa L & BII, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.?

Naglalakad ang biktima sa footbridge nang biglang sumulpot sa harapan nito  si Carreon at inalok ito ng sex.Nang magkasundo sa presyo ay pumayag ang biktima at dinala ito ni Carreon sa naturang lugar, subalit biglang sumulpot ang limang kalalakihan na kasabwat ng naturang babae.?

Dito na nagdeklara ng hold-up ang mga suspek at matapos nilang malimas ang pera, cellphone at mga importanteng kagamitan ng biktima ay saka ?nila ito pinakawalan.?

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa mga alagad ng batas at sa isinagawang follow-up operation sa pamumuno ni P/Insp Ernesto Fabre Jr., nadakip ang anim na suspek. Sa record ng pulsiya, nabatid na kilabot umanong mga holdaper ang nadakip na mga suspek  sa naturang lugar.

ABATAYO KELVIN ACIRC ALABANG ALLAN NOBLEZA ANG BRGY CARREON ILAYA ST. INSP ERNESTO FABRE JR. MGA MUNTINLUPA CITY POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with