^

Metro

5 robbery suspects, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang kalalakihang sangkot sa serye ng robbery/holdup ang nalambat ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District sa magkaka­hiwalay na insidente sa lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Edgardo Tinio, ang mga suspect na sina Joven Valeza, 32; Eric Simbulan, 29; Johnny Ricky Serrano, 32; pawang mga taga Ca­loocan City; Danreb Villarta, 38; at Bernabe Tayong, 35; mga residente naman sa Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay Tinio, si Valeza ay naaresto sa follow-up operation na ginawa ng mga operatiba ng La Loma Police Station (PS-1), matapos na positibo itong ituro ng isang mangangalakal ng basura na nakakita kung paano niya pinasok ang Tapa King na matatagpuan sa Brgy. Sto Domingo, QC, ganap na alas-7 Linggo ng umaga.

Base sa ulat ng PS1, si Valeza ay dating kawani ng nasabing establisemento at nakatangay ng   halagang P85,000.

Narekober mula kay Valeza ang isang cellphone na pag-aari ng Tapa King, cash na halagang P53,550, at isang Rusi motorcycle na ginamit nito bilang getaway vehicle.

Habang sina Simbulan at Serrano naman ay nadakip ng mga operatiba ng Fairview Police Station (PS-5) matapos na makatanggap ng tawag sa telepono buhat sa isang concerned citizen hingil sa presensya ng mga armadong suspect sa kahabaan ng Regalado Avenue sa lungsod.

Dito ay gumagala umano sina Simbulan at Serrano malapit sa sakayan ng mga jeepney kung saan sila nadakip.

Ang suspect na sina Villarta at Tayong naman ay naaresto ng mga operatiba ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) matapos na maispatan ang komosyon sa isang loob ng Everlasting bus na may bihayeng Cubao, habang nagsasagawa ang mga huli ng anti-criminality patrol malapit sa National Kidney Institute sa kahabaan ng East Cubao, alas-10:40 ng gabi.

Nang siyasatin ng tropa ng CIDU ang bus ay saka nila naispatan sina Villarta na may dalang isang patalim habang dalawang pirasong bala naman ng kalibre 38 baril naman ang nakuha kay Tayong. Sabi ni Tinio, maaring sina Villarta at Tayong ay magsasagawa sana ng panghoholdap sa bus, at na­pigilan lamang nang maispatan ng kanilang mga operatiba.Ini­hahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspect.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATASAN HILLS

BERNABE TAYONG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MGA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

TAPA KING

TAYONG

VALEZA

VILLARTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with