Karambola ng 3 sasakyan: 1 patay, 1 sugatan
(Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang rider habang nasa kritikal naman na kondisyon ang angkas nito ma­tapos magbanggaan ang tatlong sasakyan kabilang ang minamanehong motorsiklo ng una, kamakalawa  sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Roberto Nabor Retrita, 53, ng  Gonzaga St., Brgy.  Hagdan Bato, Mandaluyong City dahil sa matinding pinsalang tinamo nito.

Samantala, nilalapatan naman ng lunas sa naturang ospital ang angkas nitong si Alejandro M. Nurguerra Jr., 59.

Ayon sa natanggap na report ni Police Sr. Supt. Joel Doria, Officer-In-Charge (OIC), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-10:05 ng umaga sa panulukan ng Domestic­ Road at entrance gate ng tanggapan ng Land Transportation Office, Pasay City District sa naturang lugar.

Nabatid na bumabagtas sa lugar ang isang Chevrolet na may conduction sticker WC-2717  na minamaneho ni Jose III dela Torre Domingo, 38, ng Agua Marina St., San Andres Bukid, Manila, gayundin ang mga biktima na sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle na may plakang (9626-TL) at  isa pang Suzuki motorcycle (OF-3556)  na minamaneho  naman ni Marc Deo Tesorero Ciudadano, 24,  ng  Taguig City.

Dito ay aksidenteng nagkasalpukan ang   motorsiklong gamit ng mga biktima at ang motorsiklo ni Ciudadano. Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang magkaangkas na sina Retrita at Nurguerra kung kaya’t nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa nabanggit na ospital, subalit si Retrita ay hindi na umabot ng buhay.

Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya at inaalam na rin kung sino ang tunay na may mga sala sa insidente. (Lordeth Bonilla)

 

ACIRC AGUA MARINA ST. ALEJANDRO M ANG GONZAGA ST. HAGDAN BATO JOEL DORIA LAND TRANSPORTATION OFFICE LORDETH BONILLA MANDALUYONG CITY NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with