4 kawatan nalambat
(Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Apat na hinihinalang mga kawatan kabilang ang isang 13-anyos na batang lalaki  ang nadakip at ikinulong ng pulisya sa magkahiwalay na insidente ng mga pang­hoholdap at panloloob sa Pasay City kahapon.

Kasalukuyang nakapiit sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina Ebrahim Alburo, 23, ng Lazaro Compound, Barangay 3, Calamba, Laguna; Almario Martin, 34, taga-Plaza Moriones, Divisoria, Tondo, Manila;  Melvin Recrio, 20, nakatira sa #1758 Harrison St., Pasay City;  at ang isa pang suspek na menor-de-edad.

Nadakip sina Alburo at Martin makaraang holdapin nila ang isang 18-anyos na waiter na si Freddie dela Cruz habang natutulog ito sa isang pampasaherong jeepney sa panulukan ng  F.B. Harrison at Lancaster Sts. Pasay City.

Natangay sa biktima ang isang cellphone at P1,700 cash pero na­bawi rin ang mga ito nang sumaklolo ang mga nakakita sa insidente at tumawag sa pulisya at barangay tanod.

Nasakote rin sina Recrio at ang kasama niyang menor-de-edad makaraang nakawan nila ang bahay ng mag-live-in partner na sina Vincent Omana, 28, at Marianne Suayan, 24, sa Humilidad St. sa naturang lungsod din. (Lordeth Bonilla)

ACIRC ALMARIO MARTIN ANG EBRAHIM ALBURO HARRISON ST. HUMILIDAD ST. LANCASTER STS LAZARO COMPOUND LORDETH BONILLA MARIANNE SUAYAN PASAY CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with