Promodiser nasagasaan, tinakbuhan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang promodiser makaraang mabiktima ng hit-and-run ng isang rumaragasang sasakyan habang ang biktima ay tumatawid sa EDSA, Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Garry Damayo, 24, binata, nakatira sa Brgy.  Addition Hills sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling araw sa EDSA corner Boni Avenue, Mandaluyong City.

Ayon sa report, galing ang biktima sa isang inuman kasama ng iba pang kaibigan at dahil malayo ang tamang tawiran ay sa EDSA-Boni na lamang tumawid kahit alam nilang bawal. Nagkataon naman na isang closed van na kulay puti na hindi nakuha ang plate number ang mabilis na dumaan at nahagip ang biktima. Sinasabing tumilapon pa si Damayo pero ang driver ng van ay hindi man lamang huminto para tulungan at isugod sa pagamutan ang biktima.

ADDITION HILLS AYON BONI BONI AVENUE BRGY DAMAYO GARRY DAMAYO MANDALUYONG CITY NAGKATAON PATAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with