1 patay, 9 sugatan sa Makati shooting

MANILA, Philippines - Isa patay, habang siyam ang sugatan matapos magpaulan ng bala ang limang kalalakihang sakay ng van sa lungsod ng Makati ngayong Biyernes.

Nakilala ang nasawing biktimang si Michael Garcia na hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Makati.

Sugatan naman sina Michael Bagang, Jay Sapanta, Christoper Yvan, Jad Jerome Wong, Mark Jospeh Canda, Arnel Manalangan, Juan Carlos Zamorra, Oliver Agbayani, at Chris Ivan Paulino.

Ayon sa Southern Police District, bandang 12:45 ng madaling araw naganap ang insidente sa kalye ng Tylo sa Barangay Pio del Pilar.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pag-atake at ang kanilang motibo.

Show comments