Tserman, misis at 2 anak huli sa drug raid
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang  pamilya, kabilang ang  padre de pamilya na nanunungkulang barangay chairman ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)  dahil sa iligal na droga  sa Pasay City,  nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Atty. Eric Isidoro, hepe ng NBI-Re­action, Arrest and Interdiction Division (RAID) ang mga naarestong sina Brgy. Chairman Alejandro “Mork” Morales, maybahay nitong si Pilita at dalawang anak na sina Jamie at  Morlita. Nadakip sila sa ginawang pagsalakay sa dalawang magkahiwalay na bahay sa Muñoz St., sa Pasay City  sa bisa ng search warrants na inisyu ng Manila Regional Trial Court.

Nasa 60 ahente ng NBI na naka-full-battle gear  ang nagsagawa ng operasyon.

Maimpluwensiya umano sa lugar ang suspek na si Mork dahil sa dami ng mga taong ginagamit nitong look-out, bukod  pa sa inilagay na 32 surveillance camera na may sensors ang buong barangay na nasasakupan nito.

Lahat ng surveillance camera ay konektado at kontrolado umano sa 7-palapag­ na bahay ni Mork na madali nitong namomonitor.

Nabatid pa na ang ipinambili ng mga nasabing gadgets ay nagmula sa pondo ng pamahalaan.

May pagkakataon pa umanong si Mork ay nanghimasok sa police operation, kung saan pinakawalan nito ang nadakip na drug pusher at ang mismong pulis ang kanyang sinasaktan at hinahabol habang inaagaw ang huli nitong tao.

 

ARREST AND INTERDICTION DIVISION CHAIRMAN ALEJANDRO ERIC ISIDORO MANILA REGIONAL TRIAL COURT MORK NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION PASAY CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with