2 Koreano tiklo sa robbery/extortion
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang Koreano na sangkot sa robbery /extortion  ang nasakote ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang entrapment operation sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/ Director Benjamin Magalong ang mga suspek na sina Han Hyeo Seok at Jeun Su Hyun, kapwa 35-anyos at pansamantalang naninirahan sa Pearl of the Orient Condominium sa Malate.

Nasakote ng mga operatiba ng PNP-CIDG ang mga suspect sa Coffee Bean sa kahabaan ng Adriatico Street, Malate bandang alas-9 ng gabi.

Nabatid na ipinagharap ng reklamo ang mga suspect ng kapwa Koreano na si Kim Hyung Wook.

Sa salaysay ni Wook, kinuha ng mga suspect ang kaniyang mamahaling ka­gamitan at matapos ito ay hinihingan siya ng P 267,000 para ibalik ang mga bagay na kaniyang pag-aari.

Samantala, bukod dito ay kinulong pa si Wook ng mga suspect sa loob ng condominium unit noong Oktubre 24 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw kung saan tinakot na papatayin kapag nagsumbong sa mga awtoridad.

Ipinaabot na rin ng PNP-CIDG sa Korean Embassy ang pagkakaaresto sa dalawang suspek.

ADRIATICO STREET CHIEF P COFFEE BEAN CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP DALAWANG KOREANO DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG HAN HYEO SEOK JEUN SU HYUN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with