^

Metro

Citizen’s arrest sa QC holdaper kinuyog, inaresto ng taumbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuyog at hinuli  ng taumbayan ang isang 23-anyos na holdaper  makaraang holdapin at saksakin ang   isang taxi driver sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Ruben Baito ng Brgy. Sauyo Nova­liches habang ang inaresto ng taumbayan ay nakilala namang  si  Jeffrey Pasco ng Brgy.  Bagong Silangan, Caloocan City.

Ayon sa biktimang si Baito mag-aalas-8 ng gabi noong Miyerkules nang  sumakay sa kanyang minamanehong taxi ang suspek  sa may  Fairview sa naturang lungsod.

Una ay nagpahatid si Pasco sa Quezon Avenue subalit pagsapit sa lugar   ay nagbago anya ang isip nito at nagpahatid  na lamang ito sa may 15th Avenue sa Cubao.

Pero  pagsapit anya ng Cubao ay  nagdeklara ng holdap ang suspek  sabay saksak sa kanyang kanang tagiliran  saka pilit na inaagaw ang perang P1,500 na kanyang kinita. Ang komosyong ito ay  napansin naman anya ng taumbayan, traffic enforcers at mga pulis na nagpapatrulya sa lugar  kayat nilapitan nila ito at agad na kinuyog ang suspect bago isinuko sa mga pulis.

Depensa naman ni Pasco sa pulisya na  iuuwi sana nito ang pera sa probinsiya para sa panganganak ng kanyang misis kayat nagawang mangholdap. Nanindigan naman ang biktima  sa pagsasampa ng kaso  laban sa suspek. Nabawi sa suspek ang nakuhang pera sa biktima.

 

BAGONG SILANGAN

BRGY

CALOOCAN CITY

CUBAO

JEFFREY PASCO

PASCO

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

RUBEN BAITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with