^

Killer ng nanay ni Cherry Pie, timbog

Joy Cantos at Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Naaresto na ng mga aw­toridad ang panguna­hing suspect sa pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache sa isinagawang ope­­rasyon sa Sta. Rosa City, Laguna kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano ang nasakoteng suspect na si Michael Flores, 29.

Si Flores ang natukoy na brutal na pumaslang sa biktimang si Zenaida Sison, 75,  nanay ni Cherry Pie  habang nag-iisa ang matanda sa kanilang tahanan sa Quezon City noong Setyembre 19 sa kasagsagan ng ha­gupit ng bagyong Mario.

Bandang alas-11:30 ng gabi nitong Martes, ayon sa pulisya nang masakote ng pinagsanib na elemento ng Sta. Rosa City Police, Quezon City Police District at National Bureau of Investigation (NBI) ang suspect  sa Garden Villa 3 Subdivision, Brgy. Malusak ng lungsod na ito.

Ayon naman kay Supt. Pergentino Malabed Jr., hepe ng Sta. Rosa City police na bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga ope­ratiba na sa nasabing lugar nagpapalamig o nagtatago ang suspect na natiyempuhan naman habang nagsisigarilyo sa nasabing lugar nang dakpin ng arresting team.

Sinabi ng opisyal na si Flores ay residente ng Brgy. San Vicente, San Pedro, La­guna at nagtago sa lalawigan matapos ang krimen.

Nabatid na si Flores ay tagalinis sa tahanan ng biktimang si Sison kung saan nakuha sa crime scene ng mga operatiba ng QCPD ang duguang damit nito ilang oras matapos madiskubre ang kri­men.

Bukod dito ay nakunan rin sa CCTV footages sa lugar ang suspect.

Samantalang lumilitaw naman na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahilan nawawala ang P500,000 cash ng matanda at mamahaling mga alahas nito.

Pinaniniwalaan namang hindi nag-iisa ang suspect ng isagawa ang pamamas­lang sa walang kalaban-labang matanda habang pa­­tu­loy pa ang masusing pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kaso.

BRGY CHERRY PIE CHERRY PIE PICACHE CHIEF SUPT GARDEN VILLA MICHAEL FLORES NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION ROSA CITY SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with