Lalaki pisak sa trak sa Commonwealth
August 8, 2014 | 8:46am
MANILA, Philippines – Papasok sana sa kanyang trabaho ang 37-anyos na lalaki nang mabangga ng trak sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ngayong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ulat ng dzMM, beating the red light ang naturang trak na sumalpok sa biktimang nakilalang si Gerardo Garcia na sakay ng motorsiklo.
Ginulungan lamang ng trak si Garcia nang maganap ang insidente sa panulukan ng Mindanao Avenue extension bandang alas-4 ng umaga.
Pinaghahahanap na ang tsuper ng naturang trak na makakasuhan ng hit and run.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended