Iniwan ng lover: Nurse nagbigti

MANILA, Philippines - Isang nurse ang natagpuang patay habang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto sa lungsod Quezon kamakalawa.?

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal­ Investigation and Detection Unit, si Christine Reon­­­danga, 27, registered nurse ng No. 100 Bayani St., Bgy. Santol ay natagpuang patay dakong alas- 6:30 ng gabi.?

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Quisum­bing, may-hawak ng kaso, pinuntahan ang biktima ng kanyan pinsang si Danny John Salazar sa kan­yang kuwarto  at kinatok subalit hindi ito suma­sagot kung kaya’t napilitan na lamang  itong  puwer­sahin ang  pinto.

Dito na tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima habang na­kabitin.? Ayon sa source, iniwan umano ang  biktima ng kanyang kasintahan.

 

Show comments