MDRRMC handa na sa papasok na bagyo

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng Manila Disaster Risk Reduction  Management Council na  handa na sila sa papasok na bagyo sa bansa sakaling isa ang lungsod ng Maynila sa mga maaapektuhan.

Ayon kay Johnny Yu, hepe ng  MDRRMC, nakaantabay lamang ang mga kagamitan sakaling magbaha sa ilang  bahagi ng lungsod.

Maging ang kanyang mga tauhan ay sumailalim sa  pagsasanay kung kaya madali sa mga ito na sumabak sa anumang uri ng kalamidad.

Nakantabay din ang mga evacuation centers at mga supply ng gamot at pagkain sa mga maapektuhang pamilya. Partikular na tinukoy ni  Yu ang mga pamilyang naninirahan malapit sa  Manila Bay at ilog.

Dagdag pa ni Yu, ang lahat ng emergency cases ay naimo-monitor sa Emergency Response Assistance Program o command center nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno kung kaya’t madali nilang marerespondehan.

Matatandaan na kamakailan ay nagsagawa ng citywide drill ang lungsod ng Maynila upang ipakita ang ka­handaan ng mga sibilyan sa iba’t ibang kalamidad gayundin ng mga rescue team.

 

Show comments