Administrador ng barangay, nilikida
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napaslang ang 55-anyos na administrador ng barangay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang mga kasamahan sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Vivien Yap-De Castro, biyuda, ng Gumamela Street sa Barangay Payatas. Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, naganap  ang pamamaril sa harap ng Angel’s Burger Shop sa Ilang-ilang Street sa nasabing barangay. Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang dalawang opisyal ng barangay na sina Cora Dasig, at Gina Besmonte nang harangin at ratratin ng isa sa dalawang lulan ng motorsiklo.

Maging ang dating opisyal ng barangay na si Robert Arca, ay pinaalalahanan ang kanyang mga kasamahan na mag-ingat dahil siya ay nakatatanggap ng death threat sa hindi nabatid na dahilan.

AYON BARANGAY PAYATAS BURGER SHOP CORA DASIG GINA BESMONTE GUMAMELA STREET JOGENE HERNANDEZ QUEZON CITY ROBERT ARCA VIVIEN YAP-DE CASTRO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with