Lola patay sa saksak

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 62 anyos na lola ang natagpuang bangkay at may mga tama ng saksak sa katawan matapos na itapon ng hindi nakikilalang suspek na  sakay ng tricycle sa isang lugar sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Winnifreda Tanopo, biyuda at residente ng No. 100 Baetiong Compound, Old Samson Road, Bgy. Apolonio Samson sa lungsod.

May narekober sa kanang kamay nito na dalawang pirasong plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu, bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin kung may kinalaman sa naganap na pagpatay.

Sa ulat ng imbestigador, ang biktima ay natagpuan sa kahabaan ng Samson Road, Riverview Market, Balintawak, Bgy. Apolonio Samson, ganap na alas 2:30 ng madaling araw.

Sinabi ni Devina Flores,  busy siya sa pagbabalot ng tindang uling nang makarinig siya ng pumaradang tricycle sa tabi ng kanyang tindahan, saka tila nagmamadaling umalis doon.

Dahil dito, nagpasya si Flores na tingnan ang nangyayari hanggang sa madiskubre niya ang biktima na duguang nakasadlak sa semento.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng anim na tama ng saksak sa kanyang katawan, dalawa sa dibdib at apat sa bahagi ng kanyang likuran.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

 

APOLONIO SAMSON BAETIONG COMPOUND BGY DEVINA FLORES OLD SAMSON ROAD PASCUAL FABREAG RIVERVIEW MARKET SAMSON ROAD SCENE OF THE CRIME OPERATIVES WINNIFREDA TANOPO
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with