2 utas sa sunog sa Taguig
(Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2014 - 11:44am

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay sa isang sunog sa residential area ng Barangay Maharlika Village sa Taguig City Martes ng gabi.

Kinilala ng Taguig Fire Department ang mga biktimang sina Pakirim Kudarat at Norayda Diamla.

Hindi na umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang 61-anyos na si Kudarat matapos atakihin sa puso.

Natagpuan namang wala nang buhay at may sunog ang ilang bahagi ng katawan ang 40-anyos na si Diamla.

Sinabi ni Sr. Inspector Vener Sevilla ng Taguig Fire Department na nasa 72 kabahayan na gawa sa light materials ang nilampon ng sunog na nagsimula bandang 9:25 ng gabi.

Aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan, habang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala.

Naapula ng mga bumbero ang sunog bandang alas-11 ng gabi na nagsimula dahil sa naiwang nakasinding kandila.

 

AABOT BARANGAY MAHARLIKA VILLAGE DALAWA DIAMLA NORAYDA DIAMLA PAKIRIM KUDARAT SR. INSPECTOR VENER SEVILLA TAGUIG CITY MARTES TAGUIG FIRE DEPARTMENT TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with