^

Metro

Binata sugatan sa ligaw na bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sugatan ang isang 19-anyos na binata nang tamaan  ng ligaw na bala habang natutulog sa loob ng bahay  sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ginagamot na sa National  Orthopedic Hospital ang biktimang si Francisco Salazar,  ng Calabash St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tama ng bala sa kaliwang paa. Sa ulat ng Manila Police District-Station 4, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang makaramdam ng kirot sa kaniyang paa ang biktima kaya nagising ito. Nang bumangon at buksan ang ilaw ay nakitang umaagos ang dugo sa kaniyang paa. Isinugod siya ng kapamilya sa nasa­bing pa­gamutan. Iniimbestigahan kung saan nagmula ang putok at kung sino ang responsable sa nasabing stray bullet na tumama sa biktima.

 

CALABASH ST.

FRANCISCO SALAZAR

GINAGAMOT

INIIMBESTIGAHAN

ISINUGOD

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NANG

ORTHOPEDIC HOSPITAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with