Pulis QC patay sa ambush

Namatay sa loob ng kanyang minamanehong owner jeep si SPO4 Eduardo Torio, makaraang ambusin ng apat na hindi nakikilalang salarin lulan sa  dalawang motorsiklo. (Kuha ni BOY SANTOS)

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang  isang pulis-Quezon City makaraang ambusin ng apat na hindi nakikilalang lalaki na nakasakay sa  dalawang motorsiklo sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Eduardo Torio, nakatalaga sa Task Force Commonwealth Office ng QC Hall.

Si Torio ay nagtamo ng 22  tama ng bala sa ka­tawan at ulo buhat sa kalibre .45 baril.

Sa  report  ni PO3 Jason Tolentino, desk officer  ng QCPD-PS 6, ganap na alas-8:30  ng umaga nang tambangan at ratratin ang pulis ng apat na suspect na pawang nakasuot ng helmet­  sa may Kalayaan-B, Batasan Hills, Quezon City.

Minamaneho noon ng biktima ang kanyang  owner type jeep papasok sa trabaho nang biglang harangin ng mga suspect  sa may Kalayaan St. at saka pinaulanan ng bala.

Nang masigurong wala nang buhay ang parak ay mabilis na pinaharurot ng mga suspek  ang kanilang motorsiklo at agad na tumakas­. 

 

Show comments