^

Metro

Dancer dedo sa lover

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang babaeng dancer matapos itong barilin  ng kanyang lover makaraang magselos ang suspect sa biktima, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si  Jayel Stacy Pacencia, 24, nagtatrabaho sa Beiruth KTV Bar sa EDSA, Pasay City  at nakatira sa Tenement Building, Brgy.  Western Bicutan, Taguig City.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang Taguig City Police para sa agarang pagdakip sa suspect na nakilalang si John Tapmus, 27.

Naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa tinitirhan ng suspect  sa 179 Protacio St., Pasay City.

Ayon sa ina ng suspect na si Sandra, 44, nakatira din sa nasabing lugar, makalipas ang tatlong oras pag-uwi niya sa tinitirahan mula sa paggo-grocery, ay napansin niyang hindi mapakali ang kanyang anak at makalipas ang ilang minuto ay dali-dali itong umalis.

Nabatid na nauna nang  narinig na nag-aaway ang biktima at suspect  hanggang sa makarinig ng putok ng baril.

Nang tunguhin ng ginang ang kuwarto ng anak ay doon tumambad sa kanya sa banyo ang biktima na nakahandusay, duguan at wala nang buhay na biktima.

Kaagad na ipinagbigay alam ni Sandra ang in­sidente sa mga pulis.

 Nabatid na nagselos umano ang suspect sa biktima at naghihinala ito na may ibang lalaki ang babae, gayunman patuloy pang iniimbestigahan ang naturang kaso. 

 

JAYEL STACY PACENCIA

JOHN TAPMUS

NABATID

PASAY CITY

PROTACIO ST.

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TENEMENT BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with