_ngayon
^

2 sugatan sa frat war, 2 huli

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang  lalaki na miyembro ng  isang  fraternity ang  sugatan habang dalawa din sa kalabang  gang nito ang naaresto sa isinagawang follow-up operation sa Sampaloc, Maynila.

Ginagamot sa University of Sto. Tomas (UST) Hos­ pital ang mga biktimang si Juan Martin, 25, ng no. 2835 Benita St., Gagalangin, Tondo na nagtamo ng tama ng  bala ng baril at ka-brod nito sa Samahang Ilokano na si Jeffrey Ameril, 22, na tinamaan ng bato sa ulo nang ata­kehin umano ng mga suspect na sina Harry Jones Guzman, 23, room attendant ng Bayview Hotel, tubong Luna,  Apayao at Mark Andrew Perez, 23, 4th year Criminology student ng University of Manila  (UM) na kapwa umano mi­yembro ng Tau Gamma fraternity.

Batay sa imbestigasyon, nagpang-abot ang dalawang grupo habang  ang mga estudyante ng UM ay papalabas na sa Campus, sa bahagi ng M. Delos Santos, st., Sampaloc dakong alas-6:30 ng gabi noong Biyernes.

Bigla na lamang umanong nambato at nagpaputok ang  grupo ng mga suspect hanggang sa magkagulo at tamaan ang mga biktima.

Tinutugis naman umano ang dalawa pang suspect na sina Chester Matias at Gilbert Martin, mga miyembro din  umano ng Tau Gamma.

 

BAYVIEW HOTEL BENITA ST. CHESTER MATIAS DELOS SANTOS GILBERT MARTIN HARRY JONES GUZMAN JEFFREY AMERIL TAU GAMMA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with