^

Anak utas sa lasing na ama

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang lasing na ama ang kanyang  25-anyos na anak na lalaki  makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City, kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Bernard Esponilla, ng #9 Block 34, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong.

Agad namang  sumuko sa mga awtoridad ang suspek na ama na si Rudy Es­ponilla, 54.

Batay sa initial report ni PO2 Danilo Patoc, ng Mandaluyong City police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng tahanan ng pamilya Esponilla.

Lasing umano ang suspek nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima sa di pa batid na kadahilanan.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-ama, narinig umano nilang pinagagalitan ng suspek ang anak hanggang sa makarinig sila ng komosyon.

Ilang minuto lamang ay bumagsak na umano ang biktima sa sahig na duguan at may tatlong tama ng saksak sa katawan.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang duguang kitchen knife na may 14 na pulgada ang haba at pinaniniwalaang siyang ginamit sa pamamaslang.

Nang mahimasmasan ang suspek at dalhin sa himpilan ng pulisya ay itinatanggi nito na siya ang nakapatay sa kanyang anak pero wala naman masabi kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Bagamat tila hindi umano interesado ang mga kaanak ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek, sinabi naman ng mga awtoridad na sila na ang magsasampa ng kasong parricide laban dito.

ADDITION HILLS AYON BAGAMAT BERNARD ESPONILLA DANILO PATOC MANDALUYONG CITY MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER RUDY ES WELFAREVILLE COMPOUND
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with