^

Kutob

November 15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Marunong ka ngayon makisama at makibagay. ‘Yun ang gusto ng mga kaibigan, kasamahan at kasambahay. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang magigng kaibigan. Panahon ng pagbago sa ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day 8, 23, 35, 40 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Dahil walang mangyayari kung ito ay sasarilihin. Dapat kumunsulta sa higit na nakakaalam. Kung gustong malutas ang suliranin, kumunsulta sa psychic.Lucky numbers at color for the day 10, 23, 34, 40 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Pinagpaguran mo ang lahat ng mayroon ka, ang proteksiyon at pag-aalaga rito ay dapat pagtuunan ng pansin. Mag-ingat dahil malakas ang banta na may mawawala o may mangyayaring hindi kanais-nais. Huwag magpadala sa emosyon ng pangungulila para hindi lumayo ang suwerte. Lucky numbers at color for the day 12, 24, 36, 42 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Anuman ang gawin, tiyak na maganda ang magiging resulta dahil positibo ang isip. Iwasan ang magtaray dahil sa halip na maging kaibigan ay makakaalitan o makakaaway mo pa siya. Lucky numbers at color for the day 13, 16, 39, 34 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang gawain at makikita na magiging masaya ang bawat saglit. Nasa panig ng katuwiran, na inaayunan ng pagkakataon kaya walang dapat alalahanin maliban kung magiging negatibo ang sarili. Lucky numbers at color for the day 8, 16, 23, 37 at orange.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Hindi kailan man mabuti ang mabuhay sa mundo nang nagkukunwari, dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Maging tapat sa kapwa at sarili. Lucky numbers at color for the day 8, 12, 30, 42 at brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Anumang hamon ang dumating, kayang harapin kung positibo ang isip. Pinakamabisang paraan para malabanan ang takot ay magkaroon ng positibong iisip. Kahit ano ang mangyari, magiging maayos ang resulta ng anumang ginagawa o gagawin nang may positibong isip. Lucky numbers at color for the day 7, 19, 25, 44 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Kung iisiping mabuti ang madilim na lungga ng kahirapan, may makikitang liwanag sa bandang dulo. Kung hindi mawawalan ng pag-asa, pagtitiyaga, pagsisikap at panalangin tiyak magkakaroon ng magandang liwanag ang kinabukasan. Simulan ngayon ang pagpaplano. Lucky numbers at color for the day 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Iwasan o huwag pagpanik. Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalong magdudulot ng hindi magandang resulta. Ayusin ang problema sa paraang mahinahon. Malalampasan ang suliranin. Lucky numbers at color for the day 4, 10, 26, 30 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Utak at pag-iisip ang paganahin hindi ang emosyon. Bagama’t oo, sa pag-ibig higit na makapangyarihan ang puso kaysa isip. Alamin kung paano ang puso at isip ay balanseng magagamit at kung kailan  ang isip ang dapat masunod. Lucky numbers at color for the day 2, 20, 34, 41 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang makakasaksi ng isang pangyayari na hindi inaasahan. Isang Capricorn ang dapat iwasan pansamantala sa araw na ito. Maging alerto kung nasa labas ng tahanan lalo na sa snatchers at hold-uppers. Lucky numbers at color for the day 6, 18, 24, 39 at indigo.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon dahil malakas ang magneto ng pagkakamali. Isaisahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang gusto. Kumunsulta sa minamahal, kaibigan o kasambahay tungkol sa binabalak. Lucky numbers at color for the day 6, 15, 34, 41 at green.

vuukle comment

2018

HOROSCOPE NOVEMBER 15

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with