^

Kutob

April 19, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Tanggapin kung nagkamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Lilipas ang kaguluhan ng isip kung maglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at yellow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat desisyunan ay pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung mag-aapply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap para pakinggan, makukumbinsi ang kahit na makulit o makitid ang isip. Matutuklasan ang ibig malaman tungkol sa trabaho o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagwalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabahong nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag ng kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang pakiramdam sa pagtulong ng kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at violet.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga kamaliang nagawa ay malamang maulit. May kaunlaran  na mataamo kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Pisces ang makikilala, tiyak magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Taglayin ang maging mahinahon at maunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at madaling mag-init ang ulo. Huwag magpabigla-bigla. Pairalin ang mahabang pasensya. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at pink.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang maglibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastusin. Mahalaga ang magplano sa gustong simulan. Makakatulong ang matalik na kaibigan o magulang sa sulirain. Magiging positibo ang isip sa pagtupad sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makapagpagulo sa isip at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at brown.

vuukle comment

HOROSCOPE APRIL 19 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with