^

Kutob

Nobyembre 23, 2016

TINAGSIP - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa lahat ng bagay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti nang mga nagmamahal sa kanya. Pinupuri ko ang aking Manlilikha!

SCORPPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag magpa-epekto sa anumang mga pangyayari sa kapaligiran. Ang mahalaga ay mapangalagaan ang sariling kapakanan. Ang problema sa tahanan ay huwag dalhin sa trabaho dahil magiging malaking epekto sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang  5, 20, 33, 40 at royal blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kung may usok, may apoy, ‘yon ang kasabihan. Subalit hindi lahat ng usok ay nagmumula sa apoy. Kung may balitang masagap na ikapuputok ng butsi, alamin muna ang puno’t dulo bago magdesisyon dahil baka magkamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 29, 36 at peach.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi maiwasan ang makipagtalo kung nakikipagpalitan ng kuro-kuro. Ngunit maiiwasan ang makipag-away kung magiging mahinahon. Magiging mainit ang iyong ulo at madaling magalit at kung walang self-control, away ang kahahantungan. Lucky numbers at color for the day ang  4, 24, 28, 35 at beige.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung hindi maalis ang duda sa minamahal, magiging negatibo at malabo ang relasyon. Ang tiwala ay matibay na pundasyon ng pag-ibig. Huwag mabahala dahil posibleng magkamali sa iyong pinagdudahan. Kawawa ang iyong minamahal kung ipagpa­patuloy mo ang pagdududa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 41 at maroon.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Gawing kaaya-aya at walang kasing sigla ang tungkulin na nakaatang sa balikat. Huwag balewalain dahil dito nakasalalay ang araw-araw na pangangailangan. Kung naging matamlay dahil maliit ang sahod, gawan ng paraan na makahanap ng ibang mapagkakakitaan nang hindi masira ang records. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 27, 36 at blue

ARIES ( Marso 21-Abril 19) –  Ang biyayang tinatamasa ay bunga ng pagsisikap at biyaya ng Maykapal. Dapat lamang ang tuwinang pagpapasalamat sa Kanya at sa mga taong nakatulong sa’yo. Nasa tamang landas ang tagumpay, huwag hayaang lumihis. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9 , 22 ,44 at green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung sisimulan ang matagal nang balak may kaunlarang naghihintay. Kung hindi ito maisasagawa, bibilang ng taon ang asensong hinahangad. Huwag aksayahin ang panahon sa bagay na gustong makamit, kilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ang  3, 10, 33, 43 at orange.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ipanalangin na hindi matuloy ang maitim na balak ng isang malapit na kaibigan, kamag-anak o kasamahan laban sa iyo. Malamang may magtatraydor sa iyo. Ang iyong inaasahan mula sa iba ay hindi matutupad. Sariling sikap ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21 ,39, 39 at purple.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang panaginip ay bunga ng tulog subalit sa pagkakataong ito, kung ikaw ang nanaginip at magkakatotoo. Bagaman may dulot na sakit ng ulo ang kasambahay o kasamahan sa trabaho, may partisipasyon naman sila sa mga gawain na ikakatuwa mo. Lucky numbers at color for the day ang 13,26, 39, 41 at cream.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –   May makakatagpo na hindi inaasahan. May kaugnayan sa nakaraan ang inyong koneksiyon. Depende na lang sa’yo kung ang magaganda o mapapait na alaala ang bibigyan mo ng puwang sa iyong puso. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 31,32 at pink.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mabait, maunawain at matulungin ka. Mag-ingat dahil ang nakapaligid na alam ang iyong ugali ay magsasamantala. Kilatisin munang mabuti ang anumang bagay bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 12, 22, 39, 43 at canary yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Matatagpuan mo ang katahimikan sa piling ng minamahal. Magiging masigla ang love life. Kung may lihim o may itinatago sa minamahal, ngayon ang panahon na ipagtapat dahil madali kang mauunawaan. Lucky numbers at color for the day ang  9, 26, 27, 39 at lilac.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with