Pebrero 4, 2016
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

Pagtitibay: Ang nakaka-engganyong ugali ang magi­ging daan para laging hangarin ng mga tao sa paligid na mapasigla ka. 

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kailangan ng lakas ng loob para maligawan ang iyong napupusuan. Simulang ligawan ang mga magulang niya. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 29, 33 at yellow bells.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Meron kang nakaraan na nais kalimutan. Nasira ang bahagi ng iyong buhay dahil sa bawal na gamot. Babalik ito kung hindi pagsisikapang magbago. Lucky numbers at color for the day ay 20, 17, 33, 49 at red.

ARIES (Marso  21-Abril 19) –  Ingatan ang mahalagang dokumento. Ilagay ito sa survival kit, ayon sa disaster preparedness training. Ang pag-galang at respeto ng kapwa ay mapapasaiyo kapag ito rin ang ipinakita sa kanila. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 31, 44 at moss green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Para maibsan ang kahirapan, papurihan at pasalamatan ang Diyos. Kailangan gamitan ng mga positibong salita ang mga kuwento tungkol sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 11, 19 at orange.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Anumang salita na gagamitin ay aakit ng faithful na karelasyon. Pero sakal ka naman sa atensyon.  Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 19, 33 at green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Huwag magtaka sa famous personality, na feel na feel ng iyong pini­pintasan. Maakit ka sa ganung uri ng pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 37, 44 at violet.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasan ang mairita sa customer na pintasera. Kung ikaw ay magiging kalmado, ang suwerte ay aakitin mo. Masayang surpresa ang mapasaiyo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 21, 39, 55 at gold.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kikilitiin ang iyong puso sa lihim na matutuklasan na ang crush mo ay crush ka rin. Masayang buhay  ang iiral. Lucky numbers at color for the day ay 1, 31, 35, 44 at chocolate brown.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Nagkatotoo ang ritual magic na iyong ginawa. Parating sa iyong tahanan ang pag-ibig na inaasahan. Sa araw na ito posibleng maganap. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 27, 47 at lucky red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Isang kakaibang uri ng manliligaw ang darating at susuyuin ka. Tatanggapin ang isang gantimpala na marangal na balikatin ang responsibilidad para sa ikakaangat ng bayan. Lucky numberss at color for the day ay 8, 41, 14, 3 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mula sa nakaraan sa iyong kabataan, isang da­ting kaibigan ang masasalubong sa marangyang pasyalan. Pero iiral pa rin ang kakuriputan kaya “kkb” kayo sa kainan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 22, 45 at coral red.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kapag magsya-shopping, magdala lang ng sapat na pera. Iwanan ang atm at credit cards sa bahay, para ma-control ang pagka-adik sa pamimili. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 8, 19 at bamboo green.

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG COLOR DAY DISYEMBRE ENERO LUCKY NUMBERS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with