Hunyo 22, 2014
TAROT GABAY - Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2014 - 12:00am

Pagtitibay: Sa pamamagitan ng grasyang nagmumula sa Dios, magagawa nating talikuran ang maling kinasanayan.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May mabisa at murang paraan para mapasaya ang sarili nang hindi kinakailangang gumastos ng sobrang mahal. Kailangan ngayon ang magtipid lalo na’t may pinaplanong bilhin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 23, 45 at lilac.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Panatilihin ang kasimplehan. Higit kang mas kaakit-akit sa katangiang ito. Maraming kaibigan ang matutuwa at hindi mangingiming lumapit dahil sa taglay na katangiang ito. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 28, 36 at old rose. 

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Isang kaibigan ang hihingi sa iyo ng tulong. Yayain siya sa labas para makita niyang kahit may problema siya ay hindi pa katapusan ng mundo. Ipasyal siya at dalhin sa isang lugar kung saan siya makapagpapahayag ng kanyang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 26, 39 at carnation pink.  

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Masama man ang gising, huwag hayaang masira ang buong araw. Piliting humanap ng paraan para gumanda ang pakiramdam. Humanap ng paraan para ma­ging abala ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 38 at scarlet.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Maganda ang bukas ng mukha ngayon at masigla ang pakiramdam. Bagama’t totoong napagod nang husto nitong mga nagdaang araw. Ngayon ay tila nakabawi na at kitang kita ang pagbabago sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 16, 24, 33 at purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Pangit man ang naging resulta ng iyong pagsusulit ay hindi dapat panghinaan ng loob. Bumawi na lamang sa susunod. Maiintindihan ng magulang kung bakit nangyayari ang bagay na ito kaya walang dahilan para ang mismong sarili ay hindi makaintindi. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 27, 33 at cream.  

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maaaring nasa eskwelahan ka o nasa trabaho pero ang konsentrasyon ay wala rito kundi nasa isang taong umuukupa ng espesyal na bahagi ng iyong pagkatao. Iwasan ang mangarap nang gising. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 30, 41 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Mapagtatanto ang pagkakamaling nagawa sa kaibigan. Hindi pa huli para humingi ka ng tawad. Gawin na ito ngayon bago tuluyang masira ang pagkakaibigan. Walang masama kung aangkinin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 31, 40 at gray.  

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kailangan mo ang pahinga para makabawi ng lakas. Huwag masyadong pagurin ang sarili sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Gamitin sa wasto ang oras at kakayahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 25, 39 at golden brown.  

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Makakatanggap ng pabuya sa isang bagay na nagawang mabuti. Iba ang tuwang mararamdaman dahil hindi ito inaasahan ng sarili. Mabibigla sa mga sususnod pang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 33 at tan.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Planuhing maayos ang bagay-bagay bago gumawa ng desisyon. Kung hindi, walang magandang resultang aasahan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 37, 42 at rainbow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ihanda na ang sarili sa mga pagbabagong nakatakdang masira. Tiyaking matatag ang sarili at huwag agad susuko kahit ano ang mangyari. Lucky numbers at color for the day ay avocado green. 

 

ABRIL AGOSTO COLOR DAY LUCKY NUMBERS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with