Pinerahan lang
Dear Dr. Love,
Noong araw, marami akong pera dahil nanalo ako ng P29 milyon jackpot sa slot machine sa casino.
Masuwerte lang talaga ako dahil ang limangdaang piso ko na ipinagbakasakali ko ay nasundot agad ang jackpot sa unang pindot lang.
Kaya naman ginawa ko ‘yun ay dahil sa kahirapan.
Nang makadilihensya ako ng five hundred pesos ay desperado akong nagtungo sa casino at pinalad ako.
Fifteen years na ang nakakaraan at nagbalik ako sa hirap.
Nakatagpo kasi ako ng babaeng kinuwartahan lang ako. Akala ko ay ‘di na mauubos ang 29 milyon ko.
Ipinamili ko siya ng lupain at sinunod ko ang kanyang mga kapritso. May ibang lalaki pala siyang lihim na kinakatagpo. Iniwan niya ako nang naubos ang pera ko.
Maaari ko ba siyang idemanda?
Pablo
Dear Pablo,
Ewan ko lang kung may legal basis ang balak mong magdemanda. Magtanong ka sa abogado.
Alamin mo kung puwedeng mabawi ang mga lupang ibinigay mo sa kanya.
Malaking halaga ang P29 milyon at kung hindi ka naging bulagsak, sana ay mayaman ka pa rin hanggang ngayon.
Nawa’y naging aral sa iyo ang iyong karanasan.
At taglayin mo nawa ang karungan sa babae na pipiliin mong makasama at hindi mawaglit sa iyong isip ang importansiya na maging masinop sa salapi para hindi mo muling danasin ang kahirapan.
Dr. Love
- Latest