^

Dr. Love

Gayuma

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Patay na patay ako kay Delia pero after four months na panliligaw ko, tinapat niya ako na wala akong maaasahan sa kanya.

Pero para patunayan ko ang katapatan ng pag-ibig ko, hindi ako sumuko sa panliligaw. Patuloy ko siyang dinalaw at sinusuyo hanggang pagsarhan na niya ako ng pintuan sa kanyang pagkainis.

Ang masakit pa,  nagbitiw na siya ng masasakit na salita sa akin na ipinagdamdam ko. Nasabi ko sa sarili ko na kukunin ko siya ng sapilitan.

May kaibigan ako na nagbigay sa akin ng gayuma raw. Nakasilid sa maliit na bote. Ipatak ko lang daw sa inumin ng babaeng nililigawan ko at iibig siya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko magagawa ito dahil ni hindi kami nagkakasamang kumain o magmeryenda.

Naniniwala ka ba sa gayuma?

Orling

Dear Orling,

Totoo ang gayuma pero bad ‘yan! Bakit mo pipiliting umibig sa iyo ang babaeng hindi ka gusto?

Kapag ginawa mo iyan, para ka na ring nan-rape dahil gumamit ka ng isang uri ng pangkukulam para ibigin ng babaeng walang gusto sa iyo.

Huwag mo nang isipin kung papaano mo maipapatak iyan sa inumin ng nililigawan mo. Kapag nabisto ka ay lalo ka lang mapapahamak.

Ang gawin mo, tanggapin mo na ang kabiguan mo at manligaw sa iba. Alalahanin mo na ang ano mang kinuha nang puwersahan ay iyong pagsisisihan.

Ang gayuma ay pinadadaan sa isang rituwal na labag sa kalooban ng Diyos dahil makademonyo kaya huwag kang gagamit niyan.

Dr. Love

vuukle comment

DELIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with