_ngayon
^

Dr. Love

Insecurity

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magkaklase kami ni Rhea sa law school. Nakatapos siya at nag-top sa bar exam, samantalang ako ay hindi nagpatuloy dahil na-realize ko na hindi angkop sa kakayahan ng isip ko ang pag-aaral ng batas.

Mula first year magkaklase kami ni Rhea at naging magkasintahan hanggang magpa-kasal. Pero parang nagsisisi ako at siya ang napangasawa ko dahil naging napakaliit ng tingin ko sa aking sarili.

Naging corporate lawyer siya sa isang kilalang korporasyon at malaki ang sahod niya. Ako naman, dahil hindi ako nakatapos ay naging clerk sa isang law office. Sa kaun-ting nalalaman ko, nakatutulong din ako sa paggawa ng mga counter affidavits sa mga kasong hinahawakan ng pinaglilingkuran kong law firm.

Sa tuwing naiimbita si Rhea sa mga pagtitipon, nahihiya akong sumama sa kanya. Masyado kasi siyang smart, samantalang ako’y hindi nakapagtapos.

Kapag ipinakikilala niya ako sa mga kaibigan ay ngumingiti na lang ako pero sa loob ko ay naroroon ang panliliit sa aking sarili.

Naging seloso rin ako dahil naiisip ko na baka magsawa sa akin ang misis ko at ipagpalit ako sa isang ka-level niya. Ano ang gagawin ko?

Nick

Dear Nick,

Nang minahal ka at pakasalan ng asawa mo, hindi niya tiningnan ang katotohanan na hindi ka nakapagtapos. Ikaw ang kanyang pinili kahit may ibang lalaking ka-level niya sa talino at kursong tinapos.

Kung feeling inferior ka, e bakit hindi mo sikaping makapagtapos ng kursong Law para marating mo rin ang antas na kinaroroonan ngayon ng misis mo? Huwag mong sabihing hindi mo kaya. ‘Yung karanasan mo bilang clerk sa law office ay magbibigay sa iyo ng foundation upang maging madali ang iyong pag-aaral.

Walang mahirap sa taong marunong magsikap. Kung ayaw mo namang mag-aral pa, humanap ka ng ibang linya tulad ng pagnenegosyo. Sikapin mong ma-ging matagumpay sa linyang iyan para hindi ka na maging alangan pa sa asawa mong mataas ang tinapos.

Dr. Love

RHEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with