Hangad na mapansin ng mga netizen
(Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Mang Danoy. Isa akong tanod. Nais ko lang po ibahagi sa inyo ang aking karanasan nitong quarantine.

Sana po mapansin din ng mga netizen sa social media ang hirap naming mga tanod. Kung ang mga pulis, doktor at nurse ay pinupuri natin dahil sa kanilang serbisyo. Sana po mabigyan din ng halaga ang aming ginagawa. Halos 24/ 7 kaming nakababad sa lansangan para ma-monitor ang kalagayan ng mga tao sa aming barangay.

Marami po sa amin ang puyat at mayroon na ring nagkakasakit dahil sa pagod. Mahirap po kaya ang magsaway ng mga tao na matitigas ang ulo. Ngayon po busy naman kami sa pamimigay ng mga goods para sa mga pamil­yang walang-wala. Pero may mga hindi pa rin makaintindi. May mga nanghihingi pa rin na hindi naman talaga mahirap.

Ito lamang po ang aming maitutulong. Wala rin naman akong pera para mag-donate kaya sa simpleng serbisyo ay ginagawa namin ang aming tungkulin sa ating mga ka-barangay.

Nagagalit na nga po ang misis ko dahil baka siya at ang mga anak naman namin ang magkasakit. Ayaw na nga akong payagang mag-duty. Pero hinahanap po ng katawan ko ang nakasanayan ko na. Nag-iingat naman ako. Ayoko rin namang madale ang isa sa amin ng mga anak ko at kahit ang misis ko.

Maraming salamat po. Sana po ay maipabatid ninyo sa lahat na nagsasakripisyo rin kaming mga barangay tanod. Siya nga pala salamat din kay chairman na walang sawang naglilingkod sa aming barangay.

Danoy

Dear Mr. Danoy,

Maraming salamat po sa inyong ibinahagi. Tama naman kayo. Lahat ng paghihirap ninyo ay hindi nasasayang. Kahit po hindi kayo nabibigyan ng papuri. Ang Diyos po na nakakakita sa atin ang magpapasalamat sa kabutihang ginagawa ninyo.

Ingat din po. Basta sundin ninyo ang mga procedure na ipinapagawa sa atin para makaiwas na mahawa ng COVID-19. Makinig din kayo kay misis, dapat may oras din kayo para magpa­hinga.

Isang kabayanihan po ang inyong ginagawa. Saludo po ako sa inyo, maituturing na bayani ng maka­bagong henerasyon.

DR.LOVE

 

 

NETIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with