Langit at lupa
(Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sasabihin marahil ninyo na puwedeng gawing nobela ang istorya ko. Ako po ay family driver lamang at mayaman ang pamilyang pinagsisilbihan ko. Itago mo na lang ako sa Alias na Dreamer Boy, 35-anyos.

Ako po ang nagmamaneho para sa anak na dalaga ng aking amo at binata pa rin. Naging close kami ni Niña at ako ang hingahan niya ng hinanakit, pati na ang kanyang karanasan sa pag-ibig. Malungkot ang istorya niya na puno ng kabiguan sa dalawang lalaking nakarelasyon niya.

May lalaki siyang minahal ng tapat at naging sila sa loob ng tatlong taon pero ng ipinasya nilang magpakasal ay iniwanan siya ng lalaki na may asawa pala. Muli siyang nagkaroon ng boyfriend na katulad ng una ay hindi rin naging tapat.

Alam kong langit at lupa ang aming agwat. Gayunman, naglakas-loob akong magtapat sa kanya.  Nagkaroon kami ng relasyon. Ngunit nangangamba kami na baka tumutol  ang ama at ina ni Niña. Malamang ay tututol sila dahil driver lang ako. Ano ang gagawin ko?

Dreamer Boy

Dear Dreamer Boy,

Sigurado ka bang hindi lang awa ang nararamdaman mo sa kanya? Iyan ang bagay na dapat mong tiyakin. Isa pa, baka naman na-engganyo kang ligawan si Niña dahil mayaman siya.Hindi magandang dahilan iyan para siya’y pakasalan mo.

Kung sigurado na kayo sa feelings ninyo sa isa’t isa, dapat ay magtapat kayo sa kanyang mga magulang. Kahit tumutol man ang mga magulang niya, maaari kayong magdesisyon para sa inyong sarili.

Dapat ninyong sundin ang kulturang Pinoy na pamamanhikan. Hingin mo ang pagsang-ayon ng mga magulang ni Niña at kung tututol sila, nagawa mo na ang tama at magdesisyon na kayong dalawang magkasintahan.

Dr. Love

 

 

 

LANGIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with