^

Dr. Love

Away-bati

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Sheena, 23-anyos at isang call center agent. May boyfriend po ako at more than 1 year na ang aming relasyon.

Very sweet naman kami sa isa’t isa, pero ang hindi ko maunawaan, sa mga maliliit na issue, for example - kung saang restaurant kami kakain ay pinagtatalunan namin. Minsan, the argument gets so heated and emotional at nauuwi sa pakikipag-break ko sa kanya. Pero hindi naman nagtatagal ‘yun at kinabukasan, susuyuin niya ako at magkakabalikan kami.

Minsan naman, pinuna ko lang na hindi bagay sa kanya ang suot niyang shirt ay nagalit. Nag-sorry na ako pero ayaw niyang tanggapin. Muli ay nakipag-break ako pero kinagabihan lang ay tinawagan ako at humingi ng tawad. Bati uli kami.

Marami at paulit-ulit na ang ganyang scenario. Magkakasundo kaya kami kapag kami’y kasal na?

Sheena

Dear Sheena,

Hindi ko ma-evaluate ang situwasyon ninyo base lang sa pagkukuwento mo dahil hindi ko ma-assess kung tunay ba ang galit ninyo o tampuhan lang.  Gusto kong ipalagay na ito’y tampuhan lang o away-bata. Huwag lang maging dahilan ng away ang issue ng third party o ibang seryosong usapin,  okay lang ang tampuhan. 

Pero kung lagi-lagi na lang nangyayari, may dapat kayong baguhin sa inyong relasyon kung determinado kayong magsama for life. Ang maliit na issue ay puwedeng lumaki kapag hindi ninyo binago ang inyong attitude sa isa’t isa.

Don’t be forever immature and start growing up dahil darating ang araw, mag-aaruga at magpapalaki kayo ng inyong mga anak. Hindi puwedeng pare-pareho kayong isip bata sa pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with