^

Dr. Love

Nagbabalik

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Warm greetings to you and your readers. I hope too that you are in the best of shape as you read my letter.

Tawagin mo na lang akong Hilda, 23 anyos at nakatakdang ikasal sa darating na December ng taong ito.

Mayroon akong dating boyfriend na mahal na mahal ko. Katunayan, dalawang taon kaming mag-on hanggang sa naglaho siya na parang bula. Ipinagdamdam ko ito dahil ni wala siyang pahiwatig na lalayo. Mahigit isang taon siyang nawala at ngayon ay bigla na lang siyang sumulpot at humihingi ng tawad sa nagawa niya.

Ngunit ikakasal na nga ako. Mahal ko rin ang lalaking pakakasalan ko pero aaminin ko na mas mahal ko siya.

Naguguluhan tuloy ako ngayon, Dr. Love. Tulungan mo akong magdesisyon.

Hilda

 

Dear Hilda,

Kung minsan, ang emosyon ay hindi dapat laging batayan sa taong pipiliin. Ang ginawa ng dati mong kasintahan ay seryosong bagay. Hindi biro na mahigit isang taon siyang naglaho nang walang pasabi at ngayon ready na ang lahat sa kasal mo ay babalikan ka niya? Ano’ng uri ng lalaki iyan? Baka kung kasal na kayo ay mangyari uli ang kanyang disappearing act.

Nakakatakot kung siya ang makakatuluyan mo. Ang payo ko, manatili ka sa lalaking pakakasalan mo. Tutal, sinabi mong mahal mo rin siya. Kung mas responsable naman siya at mapagmahal, palagay ko, siya ang lalaking nararapat sa iyo.

Dr. Love

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with