^

Dr. Love

Pinapalayas sa sariling bahay

Pilipino Star Ngayon
Pinapalayas sa  sariling bahay

Dear Love,

Ako po si Des. Gusto ko lang po i-share ang aking love life. Teacher ako at aking mister. Nagtuturo ako sa public school habang si Francis ay nasa private school.

Napagkakasya naman namin ni Francis ang aming kinikita. Kaso dahil walang asawa ang kanyang kapatid na babae, kinupkop namin siya kasama ng kanilang nanay. Matanda na ang biya­nan ko kaya alagain talaga.

Mabuti na lang, isa lang ang aming anak kaya nakapagtatabi pa kami ni Francis para sa future ng aming anak. Halos tinitipid ko ang dapat ay para sa amin lang pero naisasama na rin ang sa kanyang kapatid at ina. Sa awa ng Diyos, nakakaraos naman kami.

Kinulit ako ni Francis na imbes na umupa kami ay kumuha na lang ng mahuhulugang unit na pwede i-loan sa Pag-ibig.  Nag-aalangan ako noong una pero pumayag na rin ako.

Kung bakit naman parang nagbibiro ang tadhana, may sakit na nga ang biyanan ko, na-stroke naman si Francis. Salamat na lang at may trabaho na ang aking hipag. Siya na ang nakakatulong sa amin. Pero hindi na naka-recover si Francis, ilang araw lang siya sa ospital ay tuluyan na niyang nilisan kaming mag-ina.

Masakit sa kalooban ko, Dr. Love ang pangyayaring ito. Mahirap tanggapin na sa maikling panahon ay biglang babawiin ni Lord si Francis sa akin. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Ang lahat ay aking kinakaya para sa kanya.

Ang masaklap Dr. Love, pinapalayas ako ng aking hipag sa bahay na hinuhulugan ko sa Pag-ibig. Wala na raw akong kinalaman sa kanilang pamamalagi doon dahil wala na si Francis. Sila na lang daw ang bahalang mag-asikaso sa paghuhulog sa bahay at umuwi na lang daw ako sa amin sa Davao. Hindi ko alam ang aking gagawin, ayaw kong ipagsiksikan ang aking sarili sa kanila.

Des

Dear Des,

May karapatan ka sa pag-aari ng asawa mo. Dahil conjugal property ninyong mag-asawa ang bahay na ‘yon. Dapat idulog mo ito sa mga kina­uukulan para matulungan ka sa legal na paraan. Para namang walang utang na loob ang hipag mo dahil noong sila ay walang-wala kayo ang kumupkop sa kanila. Hayaan mo, may awa ang Diyos sa mga balong katulad mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Magiging maayos din ang lahat. Pero huwag kang susuko para sa iyong anak. Patnubayan ka ng Diyos, iha.

DR. LOVE

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with