^

Dr. Love

May asawa ang minahal

Pilipino Star Ngayon
May asawa ang minahal

Dear Dr. Love,

Ako po si Len. Ang hirap palang umasa sa taong akala ko, ako lang ang mahal. Ipinagtapat sa akin ni Ronnie na may asawa na siya. Matapos niya akong paibigin at nagtiwala akong ako lang ang mahal niya.

Ang masaklap, Dr. Love ako ang kabit. Sinugod ako ng kanyang asawa na galit na galit. Sumisigaw siya at nagwawala sa labas ng aming bahay.  Wala akong magawa, gusto ko na siyang patulan. Pero mabuti na lang napakiusapan ni Tita Yolly ang asawa ni Ronnie na kung pwedeng huminahon siya at pag-usapan ng maayos ang sitwasyon.

Ang problema, Dr. Love buntis ako at si Ronnie ang ama. Laking sisi ko sa aking sarili kung bakit nagpaloko ako kay Ronnie. Mabuti na lang wala siya sa  bahay nung araw na ‘yun.

Limang taon na silang kasal ng kanyang asawa. At wala silang anak. Kaya ganoon na lang ang hinagpis ng kanyang asawa lalo na nang malaman niyang buntis ako.

Hindi ko sinasadyang mahalin si Ronnie. Nagka­kilala kami dahil dealer siya ng mga e-bike. Minsan umorder ako sa kanya at doon nagsimula ang lahat.

Hindi niya kaagad sinabi ang kanyang katayuan sa buhay. Mabait naman ang kanyang asawa at naiintindihan din ang aking kalagayan. Hiyang-hiya ako dahil pati ang mga kapitbahay namin nalaman ang aming sitwasyon.

Taga-Pampanga sila Ronnie at ang kanyang asawa, taga-Tondo naman ako. Dito sa Tayuman ang e-bike center nila Ronnie kaya minsan sa isang buwan lang siya umuuwi ng Pampanga. Mahal ko na si Ronnie, Dr Love parang ayaw ko na siyang mawalay sa akin. Pero inaalala ko rin naman ang kanyang asawa.  Sa katunayan humingi ako ng kapatawaran sa kanyang asawa sa nangyari sa amin ni Ronnie. Masakit sa kalooban kong tawagin akong kabit ng asawa niya.

Len

Dear Len,

Alam kong minsan may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari sa atin. Unahin mong palayain ang iyong sarili sa anumang kamalian o pagkukulang mo. Tama ang ginawa mong pagpapakumbaba at paghingi ng tawad. Kailangan kayong mag-usap ni Ronnie, ikaw at ang kanyang asawa. Para maayos ang gusot ninyong sitwasyon. May pananagutan si Ronnie sa hindi niya pagsasabi sa iyo ng totoo. Masakit talaga ang katotohanan lalo na kung mahal mo na ang isang tao. I want you to pray and ask God for your inner strength. Huwag kang magpadala sa mga sasabihin sa iyo ng iba. Pagkaingatan mo ang pinagbubuntis mo at huwag mong ibaling sa anak ninyo ni Ronnie ang anumang galit. Be strong! Huwag mo nang dagdagan pa ang kamaliang iyong nagawa. May awa ang Diyos at hindi ka niya pababayaan.

DR. LOVE

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with