^

Dr. Love

Maghintay kayo

Pilipino Star Ngayon
Maghintay kayo

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na ikaw ang makapagbibigay ng payo sa problemang dinadala ko. Ngunit bago ang lahat ay tanggapin mo ang aking pagbati at pangungumusta. Nawa’y datnan ka ng sulat ko na nasa maayos na kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Joseph, 30 anyos. May kasintahan ako na labing-anim na taong gulang. Minor de edad at wala pa sa tinatawag na marrying age.

Hindi ko alam kung bakit na-in love ako sa isang minor de edad, ngunit ganyan yata ang pag-ibig. Dumarating nang hindi inaasahan.

Nang malaman ng magulang ng girlfriend ko ang lihim naming relasyon, siya ay inilayo sa akin. Dinala sa kanilang probinsya sa Isabela.

Hindi ko naman siya planong lokohin. Desidido akong siya ang mapangasawa ko at kahit anong pakiusap ang gawin ko sa mga parents niya, matigas ang kanilang pagtutol. Ano ang gagawin ko?

Joseph

 

Dear Joseph,

Sa edad mong 30 taong gulang, maaaring mature na ang iyong mga desisyon. Pero ang kasintahan mo na sixteen lang ang edad, maaa­ring magbago pa ang isip niya. Tulad ng prutas, hindi mainam na pitasin mo ito nang hindi pa hinog. Sabi nga, ang hinog sa pilit ay mapait.

Ang payo ko ay pareho kayong maghintay. Kapag nasa tamang gulang na siya, roon pa lang ninyo maitutuloy ang inyong pagmamahalan at kahit tumutol ang kanyang magulang, wala na silang magagawa.

Ngunit sa palagay ko ay hindi na tututol ang kanyang mga magulang kung siya ay nasa wastong edad na. Huwag mong pilitin ang relasyong hindi nararapat. Kapag ginawa mo iyon at natukso kayo pareho na magtalik, baka mademanda ka pa ng statutory rape. Kahit gusto niya pero wala pa siya sa tamang edad, maituturing na rape iyon sa ilalim ng batas.

Pag-isipan mo. May pagkakataon na hindi makakabuti kung magpapadala tayo sa emosyon. Mas mainam na balanseng ikonsidera ang puso at isip.

Dr. Love

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with