Textmate
(Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Kamusta ka po, Dr. Love? Isa lang po akong trike driver at tawagin mo na lang na Ariel, 20 anyos.

May textmate po ako at limang buwan na kami. Tawagin na lang siyang Nida.  Niligawan ko siya sa text at sinagot ako. Nang magpasya kaming magkita, talagang ninenerbyos ako. Siya ang unang babaeng sumagot ng oo sa akin.

Nagkita kami sa Jollibee at sinabi niya ang isusuot na tshirt na pula at maong pants. Nang makita ko siya ay halos himatayin ako. Hindi sa namimintas pero siya ay masyadong mataba at pandak.

Hindi ko na siya nilapitan at mabliis akong umalis. Isang buwan na nang mangyari ‘yun at hindi ko sinasagot ang mga text niya. Tama ba ang ginawa ko?

Ariel

Dear Ariel,

Mali ka. Unang una, dapat kinilala mo muna siyang mabuti bago ligawan. Sa ginawa mong iyan ay nakasugat ka ng puso.

Ang masasabi ko, huwag mo nang uulitin iyan.

Dr. Love

 

ANG DEAR ARIEL DR. LOVE ISA ISANG JOLLIBEE KAMUSTA NAGKITA NANG NIDA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with