Ibig magpakalalaki

(Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2015 - 12:00am

Dear Dr. Love,

My warm greetings to you. Ako po si Melvin, isang call center agent. May girlfriend ako pero ito’y para pagtakpan ko ang isang katotohanan na sa kaloob-looban ko, ako ay isang bakla.

Hindi ako katulad ng iba na very proud pang inilaladlad ang kanilang kasarian. Ako, hindi.

Gusto ko maging tunay na lalaki. Nakaka-limang girlfriends na ako pero sadyang wala akong makita sa kanila na makaka-satisfy sa akin.

Isang military official ang tatay ko. Istrikto at alam kong baka mapatay niya ako kapag nalamang bakla ako. Kaya simula sa pagkabata ay pinigil ko na ang aking homosexual tendency.

Pero talagang ayaw kong maging bakla. Gusto kong mawala ito, may paraan ba Dr. Love? Tulungan mo sana ako.

Melvin

Dear Melvin,

Marami akong kakilala na lantad na bakla, ‘yung iba’y nagpa-sex change na. Pero nang makakilala sa Diyos at tanggapin si Hesukristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay himalang nagbago.

May nakapag-asawa at nakabuo ng pamilya. Mabuti at may pagtutol kang nadarama sa iyong sarili. Malaki ang maitutulong niyan para mawala ang iyong pagkabakla.

Manalangin ka sa Diyos, magsisi sa kasalanan at tanggapin mo si Hesus sa iyong puso para gabayan ka.

Hindi natin kayang repormahin ang ating sarili. Pero sa Diyos ay walang imposible.

Dr. Love

AKO DEAR MELVIN DIYOS DR. LOVE HESUKRISTO HESUS ISANG ISTRIKTO MELVIN PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with