Solo flight
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2013 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Pleasant greetings to you. Tawagin mo na lang akong Winnie, 31-anyos. Na­tu­ringan­ nga akong may asawa pero parang wala.

Ibig kong sabihin, nagso-solo ako sa pagtataguyod sa aming tatlong anak ng aking mister samantalang siya ay buhay binata.

Isa lang akong karaniwang empleyada sa gobyerno at medyo gumagaan lang ang kabuhayan sa pagsa-sideline ko sa pagbebenta ng mga condominium at bahay­.

Walong taon na kaming nagsasama at nasa grade one na ang aming panganay habang nasa kinder at prep ang dalawa. Pati pangangailangan sa bisyo ng aking asawa ay sa akin iniaasa.

Nang mainis ako ay tinigilan ko na ang pagbibigay sa kanya ng pera kaya ako nilayasan. May isang buwan na siyang hindi umuuwi.

Ano ang dapat kong gawin sa ganitong uri ng mister?

Winnie

Dear Winnie,

Hangga’t maaari ay dapat ma-pre­serba ang pagsasama ng mag-asawa dahil­ sa batas ng Diyos ay sinasabing ang pinagsama Niya ay hindi dapat pag­hi­walayin ng tao.

Kausapin mo siya nang masinsinan at ipaunawa mo sa kanya ang kanyang pagkukulang bilang ama ng tahanan. Kung tutuusin, ang ginagawa mong respon­sibilidad ay siya dapat ang gumagawa.

Sa ilalim ng ating family code, puwede kang mag-file nang marital annulment dahil hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pagpapamilya. Sa ibang sa­lita­, iresponsable siya.

Mag-usap kayong mabuti at kung hindi na mareremedyuhan ang inyong pagsasama, mas mainam sigurong dumaan na sa proseso ng batas.

Dr. Love

ANO DEAR WINNIE DIYOS DR. LOVE HANGGA IBIG SHY WINNIE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with