^

Bansa

Water level sa Angat Dam patuloy ang pagbaba kahit tag-ulan na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Water level sa Angat Dam patuloy ang pagbaba kahit tag-ulan na
Ito ang sinabi ni Dr. Sevillo David Jr., executive director ng National Water Resources Board (NWRB) kaugnay ng kundisyon ng dam sa kasalukuyan.
Kj Rosales

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbaba ng water level ng Angat Dam sa Bulacan kahit na panahon na ng tag-ulan.

Ito ang sinabi ni Dr. Sevillo David Jr., executive director ng National Water Resources Board (NWRB) kaugnay ng kundisyon ng dam sa kasalukuyan.

Sa ngayon, nasa 166 meters ang water level ng Angat na mas mababa sa minimum operating level na 180 meters. May 14 meters aniya ang baba ng tubig sa dam at patuloy na bumababa kahit pa tag-ulan.

Sinabi ni David na dahil dito, sinuspinde muna nila ang pagsusuplay ng tubig sa mga irigasyon habang humahanap ng ibang alternatibong water resources upang matiyak na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Pinaiigting din ng NWRB ang water conservation lalo na ngayong panahon ng El Niño. Ang El Niño phenomenon ay nakararanas ng below normal rainfall sa bansa.

Mula Mayo ay suspendido na ang pagsusuplay ng tubig sa irigasyon dahil panahon naman ng anihan sa mga sakahan ngayon.

Hanggat hindi aniya nakaka-recover ng maayos ang water level sa Angat dam ay wala munang release ng tubig sa mga irigasyon.

Aniya ang NWRB at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay naghahanap ng alternative water resources mula noong Marso upang may sapat na suplay oras na kailanganin.

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with