Emergency lockdown ng COVID-19
‘Cicada’ variant, fake news – DOH
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang kumakalat na balita hinggil sa ipatutupad na lockdown sa bansa na bunsod umano ng COVID-19 variant na “Cicada”.
“Binibigyang-diin ng DOH na walang katotohanan ang kumakalat na balitang may emergency lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 Cicada variant,” ayon sa advisory.
“Walang dahilan para mabahala o mag-lockdown. Nauna nang inihayag ng ahensiya nitong March 31, 2026, na nananatiling ligtas ang Pilipinas sa variant na ito,” saad pa sa advisory.
Umapela ang kagawaran sa publiko na iwasan ang pagpapakalat sa social media ng fake news at alamin ang mga tamang impormasyon sa official Facebook page ng DOH na nag-aanunsyo ng mga lehitimong ulat.
Una nang iniulat ng DOH na walang naitalang Cicada infections sa bansa.
Ang BA.3.2 Cicada strain ng Covid-19 ay natukoy noong Nobyembre 2024 sa South Africa, na sa pagkumpirma ng World Health Organization (WHO) ay patuloy na mino-monitor sa 23 bansa.
Tiniyak ng DOH na makakaasa ng tuluy-tuloy na serbisyo ng DOH Hospitals ang publiko ngayong may mga sakit na umuusbong dulot ng panahon ng tag-init.
- Latest




















