^

Bansa

Duterte inaresto sa NAIA!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Duterte inaresto sa NAIA!
Bantay sarado ng mga pulis ang Gate 5 ng Villamor Airbase kung saan dinala si dating pangulong Rodrigo Duterte kahapon matapos arestuhin sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Hawak na ng pulisya si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos silbihan ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) sa kasong “crime against humanity”. 

Mismong si PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) PMGen. Nicolas Torre III ang naghain ng arrest warrant nang dumating si Duterte kasama ang kanyang misis na si Honeylet, anak na si Veronica “Kitty” Duterte at kanyang mga gabinete sa NAIA Terminal 3. Sakay ang mga ito ng Cathay Pacific flight CX-907 na lumapag dakong 9am.

Alas-7 pa lang nang umaga nang dumating sa NAIA ang mga tauhan ng CIDG na nag-abang sa pagdating ng dating Pangulo mula sa kanyang pangangampanya sa HongKong. 

Agad dinala sa Villamor Airbase, Pasay City si Duterte. 

Bahagyang nagkaroon ng pagtatalo sa pag-aresto kay Duterte matapos na bigong magpakita ng arrest warrant ang PNP. 

Sa panig ng Malacañang, madaling araw pa lang kahapon nang natanggap ng International Police (Interpol) Manila ang official copy ng warrant of arrest mula International Criminal Court (ICC).

DIsmayado naman si Senador Bong Go nang takasan at balewalain ni PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo ang kanyang pagtatanong kung saan dadalhin ang dating pangulo. 

Nagtungo si Go sa NAIA para salubungin si Duterte at tiyakin ang kalusugan nito kaya isinama ang personal doctor. 

Binatikos din ni Go ang pagtanggi ng pulisya na hayaan ang mga medical staff na dinala ng kampo ni Duterte na suriin ang dating pinuno.

Sinasabing dadalhin sa Cardinal Santos Hospital si Duterte kaya nagpakalat na rin ng pulis si Eastern Police District (EPD) Director PCol. Villamor Tuliao. 

Subalit may balita ring ililipat si Duterte sa Veterans Hospital kung saan may order na ‘standby’ sa mga pulis sa Camp Karingal. 

Habang nasa eroplano, narinig si Duterte na sinabing “You will just have to kill me kung hindi ako papayag, kung kakampi ka diyan sa mga puti (if I won’t allow, if you will side with the foreigners).”

Dati nang sinabi ni Duterte na handa siyang harapin ang umano’y warrant of arrest, at idiniing haharapin niya ito bilang isang abogado at hindi tatakas sa ibang bansa.

Ang pag-aresto kay Duterte ay kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa at maging sa Asya na ipinatupad ng ICC.

Iniimbestigahan ng ICC si Duterte at ilan pang matataas na opisyal ng kaniyang administrasyon para sa mga krimen laban sa sangkatauhan, dahil sa umano’y madugong giyera kontra droga ng kapulisan. — Butch Quejada, Gemma Garcia, Joy Cantos

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with