100 ex-MILF, MNLF members umanib sa PNP

Ininspeksiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga isinurender na iba’t ibang loose firearms nang bumisita ito sa 6th Infantry Division, Camp Brigadier General Gonzalo H. Siong sa Datu Odin Sinsuat, ­Maguindanao kahapon.
KJ Rosales/PPA Pool

MANILA, Philippines — May 100 dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang umanib na sa Philippine National Police (PNP).

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-welcome sa graduation ceremony sa unang batch ng mga bagong pulis na nakapagtapos sa anim na buwan na Bangsamoro Policr Basic Recruit Course (BPBRC) sa Camp BGen. Salipada K. Pendatun sa Parang Maguindanao del Norte noong Lunes.

Sa speech ng Pangulo, pinakiusapan nito ang mga bagong pulis na tulu­ngan ang pamahalaan sa pagsulat sa bagong kabanata ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

May ranggong patrolman ang mga bagong pulis.

Iginiit pa ni pangulong Marcos na napakalaki ng nakasalalay sa mga bagong pulis dahil nasa kamay nila ang pagkamit ng patuloy na tagumpay.

“Simula ngayon, kahit saan man kayo italaga, kayo ay kinatawan ng kaayusan at pagbabago na layon nating ipamana sa ating mga anak,” dagdag pa ng Pangulo.

Show comments