Allied Transport Sectors sanib kontra MC taxi expansion

MANILA, Philippines — Magsasama-sama ngayong lunes ang koa­lisyon ng allied transport sectors na kabibilangan ng mga driver at operators ng pampasaherong jeep, tricycle, taxi, bus at iba pang pampasaherong sasakyan upang ipabatid sa gob­yerno ang kanilang pagtutol sa planong pagpaparami pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng motorcycle taxi operations sa mga congested na lansangan sa Metro Manila.

Nagkakaisang tutol sa plano ng LTFRB ang Pasang Masda, LTOP, ATOMM), INHTA, NACTODAP, LCSP, at Motorcycle Rights Organization at iba pang transport groups.

Anila, ang planong ito ng LTFRB ay magdudulot ng pagbagsak na ng kabuha­yan ng mga lehitimong driver at operator ng naturang mga public utility vehicles (PUVs) at masyado nang masikip ang mga kalsada sa Metro Manila kayat hindi na dapat pang dagdagan ng iba pang pampasaherong sasakyan.

Hindi umano sila tutol sa MC taxis ngunit sana pag-aralan muna ang tamang bilang na hindi papatay sa kanilang ­hanapbuhay.

Show comments