Extradition o deportation kay Teves, pinaplantsa na ng DOJ

This photo shows a picture of expelled lawmaker Arnolfo Teves Jr. being arrested by Timor-Leste law enforcement in Dili, East Timor.
Polícia Científica e de Investigação Criminal / Facebook

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na wala pang timetable para sa pagbabalik sa bansa sa naarestong si dating Negros 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. at pinag-aaralan pa kung deportation o extradition ang gagamiting pamamaraan.

Sa pahayag DOJ spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, para kay Secretary Jesus Crispin Remulla, isang napakalaking kaso ang kinasasangkutan ni Teves kaya prayoridad ang kaligtasan nito para maiharap sa korte.

Nilinaw ni Clavano na may dalawang paraan para maiharap sa korte si Teves. Isa dito ang extradition sa pamamagitan ng United Nations Convention on Transnational Organized Crime o UNTOC, isang kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at Timor Leste, at nagbibigay ng mga bagong balangkas para sa extradition.

Ang Interpol red notice alert ay hindi nagsisilbing international arrest warrant. Gayunpaman, ang internasyonal na mekanismo ng Interpol ay nangangailangan ng mga miyembro na makipagtulungan sa mga proseso nito.

“Pero mas mahaba nga siyang process. Mas mahaba siya,” paliwanag ni Clavano.

“Kung sa extradition po kasi, magiging international obligation ‘yon, which means that it will take some time dahil may mga document,”aniya pa.

“Kung deportation naman, mas mabalis na proseso ‘yun dahil wala naman po siyang passport. Wala na siyang valid passport. Although the timing will have to be dependent on the Timor-Leste” sabi pa ni Clavano.

Nangangahulugan na nakasalalay pa rin sa gobyerno ng Timor-Leste kung kailan maibabalik sa Pilipinas si Teves.

Show comments